Skytrain sa Makati at Taguig sisimulan ngayong taon

AGI Photo

Posibleng ngayong taon na simulan ang pagtatayo ng Skytrain sa Makati City at Taguig City.

Ayon sa Alliance Global Group Inc, nakuha na ng Infracorp Development Inc ang “original proponent status” mula sa gobyerno.

Itatayo ang dalawang kilometrong Skytrain sa Guadalupe MRT Station sa Makati City hanggang Fort Bonifacio, Taguig City.

Tinatayang nasa limang minuto lamag ang magiging byahe sa pagitan ng dalawang lugar kapag natapos na ang tren.

Ayon sa Alliance Global, nagkakahalagang P3 bilyon ang puhunan sa proyekto at walang gagastusin rito ang gobyerno.

Ipinahayag ni Infracorp president Kevin Tan na inaasahang matatapos ito sa loob ng dalawang taon kapag nasimulan ang pagtatayo nito ngayong taon.

Tinatayang 60,000 hanggang 100,000 commuters ang makikinabang dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...