Sa ulat na isinumite ng department of energy, inatasan nito ang Philippine National Oil Company na makipag-ugnayan sa mga oil suppliers upang matiyak na may mga hakbangin patungkol sa oil reserve at stockpiling.
Sa panig ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sinabi nitong may mangyayaring pag-aresto sa mga mapagsamantalang negosyante na ginagawang alibi ang TRIAN law at patuloy na pagtaas sa presyo ng langis upang makapagtaas ng retail price sa kanilang mga ibinebentang produkto.
Sa panig naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), ginarantiya nitong pakikilusin ang regional wage boards bilang pagtugon na din sa panawagan mismo ni Pangulong rodrigo Duterte na silipin na ang kasalukuyang take home pay ng mga manggagawa sa harap ng napapaulat na kaliwa’t kanang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.