Tinawag ng Defense Ministry ng China na isang “provocation” ang ginawa ng US.
Panghihimasok umano sa soberanya ng China ang ginawa ng US dahil pinasok ng warships nito ang Chinese territorial waters nang walang permiso.
Ayon kay Wu Qian, tagapagsalita ng defense ministry ng China, ang guided missile cruiser ng US na Antietam at destroyer na Higgins ay pumasok sa kanilang territorial waters sa Xisha Islands noong May 27.
Bilang aksyon, sinabi ni Wu na agad silang nag-deploy ng naval ships at aircraft para magsagawa ng legal identification at verification sa nasabing warships ng US at saka binalaan ang mga crew nito.