Lotto bettor wagi ng halos P16M sa mega lotto; jackpot prize na P128M sa super lotto hindi pa rin napanalunan

Isa ang maswerteng nagwagi ng halos P16 million na jackpot sa mega lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, nag-iisang lotto bettor lamang ang nakakuha ng winning number combination ng mega lotto na 34-12-22-15-20 at 27.

Maiuuwi ng nasabing mananaya ang jackpot prize na P15.8 million.

Samantala, wala namang nakakuha ng winning number combination kagabi sa ultra lotto 6/58.

Nasa P128.9 million na ang jackpot prize sa ultra lotto.

Wala ding nakakuha ng winning number combination sa 6/49 super lotto na ang jackpot prize ay nasa P23 million na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...