ITCZ magpapaulan sa buong Mindanao – Pagasa

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa buong Mindanao dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa Pagasa, ang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan na maaring maranasan sa Mindanao ay posibleng magdulot ng pagbaha o landslides.

Sa Metro Manila naman, iba pang bahagi ng Luzon at sa Visayas ay easterlies pa rin ang umiiral.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral at makararanas lamang ng isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...