Si Sung Kim na isang veteran American diplomat ay dati rin kasing nanilbihan bilang ambassador ng Amerika sa South Korea at nagsilbi noon bilang nuclear negotiator sa NoKor taong 2005 sa panahon ni dating US Pres. George W. Bush.
Batay sa ulat ng Washington Post, ipinatawag muna si Sung Kim at pinaalis muna sa Pilipinas para pangunahan ang preparasyon.
Ang delegasyon ng US na pinangungunahan ni Sung Kim ay nasa North Korea ngayon.
Kasama sa tatalakayin para sa pre-summit negotiations ay ang logistics ng magaganap na pulong at ang magiging laman ng talakayan.