US delegation nasa North Korea para plantsahin ang summit nina Trump at Kim

Kinumpirma ni US President Donald Trump na nasa Demilitarized Zone ng North Korea ngayon ang mga delegado ng Amerika para makipag-usap sa North Korean officials at talakayin ang pagtutuloy ng summit sa pagitan nila ni Kim Jong Un.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na dumating sa North Korea ang US team para asikasuhin at plantsahin ang summit.

Nakasaad din sa tweet na naniniwala si Trump sa potensyal ng North Korea bilang isang economic at financial nation.

Magugunitang noong nakaraang linggo lamang ay inaunsyo ni Trump na maaring hindi matuloy ang summit sa pagitan nil ani Kim na idaraos sana sa Singapore.

Pero ani Trump, hindi man ito mangyari sa itinakdang petsa na June 12 ay maari pa rin naman itong maganap sa ibang panahon.

Noong Sabado, nagkaroon din ng unannounced meeting sa pagitan nina Kim at South Korean President Moon Jae-in.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...