Tugon sa mataas na halaga ng bilihin at petrolyo inihain ng ilang mga mambabatas

Kasunod ng ilang linggong big time oil price hike ay hinihiling ng ilang mga mambabatas sa suspindihin na ang isang probisyon ng Tax Reform for Acceleration (TRAIN) Law kung saan mayroong mataas na buwis o excise na nakapataw sa halaga ng langis.

Kamakailan lamang ay naghain ng panukalang batas si Senador Bam Aquino patungkol pagbawi sa nakapataw na excise tax.

Ani Aquino nagreresulta ang excise tax sa langis sa pagtataas din ng halaga ng iba pang mga bilihin sa merkado.

Samantala, nais naman ng ilang mga mambabatas sa mababang kapulungan na itaas sa P750 ang national minimum wage bilang tugon sa mataas na presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Matatandaang nauna nang sinabi ng Department of Finance (DOF) na sususpindihin lamang ang pagpapataw ng excise tax sa langis kung aabot sa $80 ang kada isang barrel nito sa world market. Ayon sa DOF, ito ang nakasaad sa batas.

Read more...