Mga bagong halal na baranggay kapitan sa Maynila, hinimok na suportahan ang drug war

Umapela ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga barangay captain sa Maynila na suportahan ang kampanya ng administrasyon laban sa droga, kriminalidad at korapsyon o ang 3-point campaign.

Sa pagtitipon ng mahigit 100 baranggay kapitan ng District VI ng Maynila sa bahay ni Manila Rep. Sandy Ocampo, iginiit ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na seryoso ang pangulo na wakasan ang pinakamahahalagang problema ng bansa.

Ani Go, malaki ang papel ng mga kapitan ng baranggay sa laban kontra iligal na droga.

Bagaman posibleng hindi ito tuluyang mabura ito ay sa tulong naman anya naman ng mga punong baranggay ay maaari itong mabawasan sa pinakamaliit na bilang.

Panauhing pandangal si Go sa 3-point shootout game na naganap sa Sta. Ana, Maynila.

Iginiit niya na maaaring maging susi ang sports upang mailayo ang publiko sa temptasyon ng droga.

Ayon pa kay Go, dahil sa 3-point campaign ay gumanda ang antas ng seguridad sa urbanidad.

Read more...