Dating US President George H. W. Bush isinugod sa ospital

Isinugod sa ospital ang dating pangulo ng Estados Unidos na si George H. W. Bush.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Bush na si Jim McGrath, nakaranas ng low blood pressure at matinding pagod ang dating pangulo kaya ito dinala sa Southern Maine Medical Center.

Ayon pa kay McGrath, gising na si Bush at maayos na ang pakiramdam ngunit mananatili ito ng ilang araw sa loob ng pagamutan hanggang sa tuluyang umayos ang kanyang kundisyon.

Ang hopsitalization ni Bush ay nangyari isang buwan matapos mamatay ang kanyang asawang si Barbara sa edad na 92, at halos kasabay nito ang pagkakasugod niya rin sa ospital matapos magkaroon ng impeksyon sa dugo.

Sa ngayon ay si Bush ang pinakamatandang nabubuhay pa na pangulo ng Estados Unidos sa edad na 93.

Read more...