Morissette at Jessica Sanchez pinabilib ang mga tagahanga sa isang duet

Morissette Instagram

Napanganga ang mga tagahanga ni American Idol runner-up Jessica Sanchez at Morissette Amon matapos nilang mag-duet sa Sunday noontime variety shown na ASAP.

Nagsama ang dalawa para awitin ang kantang “Stone Cold” na orihinal na inawit ni Demi Lovato.

Tila effortless para sa dalawa ang bumirit dahilan upang mag-cheer ang mga audience habang nagtatanghal ang dalawa.

Sa Instagram post ni Morissette ay sinabi nito na masaya siya na makaduet si Jessica.

Kasalukuyang nasa bansa ang American Idol runner-up para sa anniversary concert ni Jake Zyrus na naganap noong Biyernes.

Ayon kay Jessica, balak niyang magtagal sa Pilipinas upang mapuntahan ang iba’t ibang tourist destinations sa bansa.

Read more...