Gusali nasusunog sa Binondo, Maynila

Mark Iriving Yap via Fire Alert Metro Manila

Kasalukuyang nasusunog ang isang gusali sa Quintin Paredes Street na sakop ng Binondo, Maynila.

Partikular na nasusunog ang 7 palapag na gusali kung saan naka-okupa ang Land Management Bureau ng Depertment of Environment and Natural Resources (DENR).

Ala-1:18 nang itaas ang Task Force Alpha ngunit makalipas ang halos 20 minuto ay inakyat ang alarma sa Task Force Bravo.

Sumiklab ang sunog bandang alas-12:30 ng hatinggabi.

Ayon sa mga otoridad, hindi pa nila matiyak ang sanhi ng sunog dahil prayoridad ng mga ito na apulahin muna ang pagliliyab.

Read more...