Batang lalaki, natagpuang patay sa isang dam sa Laguna

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng hindi pa nakikilalang bata sa isang dam sa Calamba, Laguna.

Batay sa report ng Calabarzon police headquarters, nakita ng isang residente ang bangkay ng batang lalaki sa Barangay Real bandang 7:00, Linggo ng umaga.

Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na lima hanggang walong taong gulang ang edad ng bata.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga pulis na posibleng nalunod ang bata.

Nakita rin ang bangkay ng biktima nang walang kasuotan at nagsisimula nang maagnas.

Ayon naman kay Calabarzon police Chief Supt. Guillermo Eleazar, tinitignan na ng pulisya ang kanilang listahan ng mga nawawalang tao at mga pamilyang nawalan ng anak.

Read more...