Aarangkada na sa araw ng Miyerkules ang Brigada Eskwela sa General Santos City.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gagawin ang Brigada Eskwela limang araw bago ang pagsisimula ng klase sa Hunyo 4.
Dagdag ni Briones, bagama’t hindi pa pormal na nagsisimula ang Brigada Eskwela, ilang mga guro at mga magulang na ang nagsimulang maglinis ng mga silid-aralan para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Ayon kay Briones, kaya napili ang General Santos City sa pagbubukas ng Brigada Eskwela para maging kintawan ng Mindanao region.
Noong nakaraang taon aniya, sa Visayas region isinagawa ang pagbubukas ng Brigada Eskwela.
Pipilitin aniya ng Department of Education na madagdagan ang mga guro.
Target aniya ng DepEd na gawing 25 estudyante sa ang ratio sa Kindergarten, 35 sa grades one hanggang four at 40 estudyante sa grades five at six.
Inaprubahan na aniya ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagkuha ng dagdag na 75,000 guro.
Maari aniyang mag-apply ang mga bagong guro sa mga division superintendent’s office.
Mas malaki aniya ang tsansa na makuha ang mga guro na kumuha ng major sa mga subject na Science at Mathematics dahil sila ang mas kailangan sa senior high school program.