Sorsogon, niyanig ng lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Sorsogon dakong 7:40, Linggo ng umaga.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa layong 44 kilometers South sa bayan ng Prieto Diaz.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...