Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Laguna

Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang kagawad sa Biñan, Laguna.

Naganap ang krimen pasado alas-3 ng hapon ng Sabado sa Brgy. San Jose sa naturang lungsod.

Kinilala ang biktima na si Joselito Marfori, 55 anyos, na kagawad ng Brgy. Casile.

Ayon sa Biñan Police, nakatayo lamang ang biktima malapit sa isang Small Town Lottery (STL) kung saan siya ay pinagbabaril ng mga suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Marfori at naisugod pa sa Perpetual Medical Center.

Gayunman, pumanaw din ito habang binibigyan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Read more...