‘Most wanted personality’ ng Batangas, patay sa engkwentro

Patay sa engkwentro sa General Trias, Cavite ang tinaguriang ‘most wanted personality’ ng lalawigan ng Batangas.

Naganap ang engkwentro pasado alas-8 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Romnick Reyes na may kasong dalawang bilang ng homicide at dalawang bilang ng robbery.

Nagsagawa ng operasyon ang Region 4-A Special Operation Unit para hulihin si Reyes ngunit nauwi ito sa engkwentro matapos paputukan ng suspek ang mga pulis gamit ang kalibre .38 na baril.

Ayon sa ulat, nakipagpalitan ng putok ang suspek sa mga pulis habang tumatakas ngunit na-corner ito sa isang baranggay hall.

Nagtamo ng tama ng baril si Reyes sa tiyan ngunit naisugod pa sa pagamutan ng mga opisyal ng barangay at pulis ngunit binawian din ng buhay.

Read more...