Sarangani, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Sarangani alas-8:27 kagabi ayon sa Phivolcs.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong anim na kilometro Silangan ng bayan ng Alabel.

May lalim ang pagyanig na 75 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Alabel, Sarangani at General Santos City.

Hindi naman inaasahan ang mga aftershocks at pagkasira sa ari-arian.

Read more...