Iñigo Pascual at Maris Racal, magsasama sa isang pelikula

Sa unang pagkakataon ay magtatambalan para sa isang proyekto ang Kapamilya stars na sina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Bibida ang real-life couple sa pelikulang “I’m Ellenya L.” na iprinodyus sa ilalim ng N2 Productions at Spring Films na pagmamay-ari ni Piolo Pascual sa direksyon ni Boy 2 Quizon.

Matatandaang noon pa ay ipinahahayag na ni Pascual ang pagnanais na makatrabaho si Racal.

Ang naturang pangarap ay matutupad na sa ngayon sa pamamagitan ng naturang millennial film.

Read more...