Rumored boyfriend tinawag na “political close-in” ni Robredo

Inquirer file photo

Inilarawan ni Vice President Leni Robredo na “political close-in” ang napapaulat na boyfriend nya na si Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal.

Sa kanyang Facebook post sinabi ni Robredo na wala na siyang balak na pumasok sa bagong relasyon mula noong mamatay ang kanyang asawa na si dating Interior Sec. Jesse Robredo.

“Mula nung namatay ang asawa ko, hindi ako nagka-boyfriend, wala akong boyfriend, at wala akong kabalak -balak mag-boyfriend,” ayon kay Robredo.

Ipinawalianag pa ng pangalawang pangulo na pilit na iniuugnay sa kanya si Banal lalo na kapag may mga isyung lumulutang laban sa pamahalaan.

Nauna dito ay napikon si Robredo sa mga kumalat na posts sa social media na nagsasabing siya ang mastermind sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Wala umanong logoc ang nasabing paninira dahil kahit kailan ay hindi niya gagawin iyun lalo’t magdudulot ito ng kalungkutan sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na kaibigan ni dating Sec. Robredo ang iniuugnay sa kanyang mambabatas na si Cong. Banal.

Read more...