Kasado na ang panibagong oil price increase sa susunod na linggo.
Sa advisory na inilabas ng ilang mga oil companies, aabot sa P0.65 ang magiging dagdag presyo sa bawat litro ng gasolina, sa diesel ay P0.40 kada litro samantalang P0.50 naman sa bawat litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ikatlong pagtataas sa halaga ng petrolyo para sa kasalukuyang buwan.
Sa Martes ng umaga inaasahang ipatutupad ang panibagong dagdag singil sa petrolyo.
Para sa buwan ng Mayo umabot na sa dalawang piso ang naidagdag sa halaga ng oil products dahil sa sunud-sunod na price increase.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Energy na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing pag-iikot sa mga gasolinahan partikular na sa Metro Manila para isailalim sa pagsusuri ang “quantity and quality” ng mga produktong petrolyo sa merkado.