Sinalubong mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration at Manila International Airport Authority ang 19 pang undocumented na Pinoy workers mula sa kuwait.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, dumating ang mga ito sakay ng Golf Air Flight GF154 sa NAIA Terminal 1 kaninang hapon.
Sinabi ni Cacdac, na makakatanggap ang mga OFW ng P20,000 livelihood assistance mula sa mga regional offices nito pero hindi na ang P5,000 cash assistance na ibinibigay sa mga nag-avail ng amnesty program ng Kuwait.
Paliwanag ng opisyal, Abril 22 pa kasi natapos ang amnesty program ng Kuwait para sa mga undocumented foreigner sa kanilang bansa.
Dahil dito, nagsimula na aniya ang pamahalaan ng Kuwait na manghuli ng mga undocumeted aliens.
Pero tiniyak ni Cacdac na pwede pa naman umuwi ang mga undocumented OFWs sa Kuwait na gustong umuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng DFA.
Base sa tala ng DFA, nasa P5,000 nang undocumented OFW ang napa-uwi nila mula noong Pebrero.