Binalaan ni Pope Francis ang mga Italian bishops na salaing mabuti ang aplikasyon ng mga gustong magpari.
Hindi umano dapat tanggapin ang mga hinihinalang bakla na maging pari ayon na rin sa direktiba ng Santo Papa ayon sa ulat ng local media sa Vatican.
Ayon sa ulat ng La Stampa, sinabi umano ni Pope Francis ang bilin sa mga obispo makaraan ang mass resignation ng Chilean bishops dahil sa isyu ng sexual abuse sa ilang mga batang lalaki sa Chile.
“Keep an eye on the admissions to seminaries, keep your eyes open… If in doubt, better not let them enter,” bahagi ng pahayag ng Santo Papa ayon sa nasabing pahayagan.
Hindi naman naglabas ng pahayag ang Vatican ukol sa nasabing ulat.
Noong 2005, isang kontrobersiyal na dokumento ang inilabas ni Pope Benedict na nagsasabing pwedeng tanggapin sa simbahan bilang mga pari ang ilang dating homosexual sa kundisyon na sila ay nagbago na sa nakalipas na tatlong taon.
Pero mananatili umanong bawal na maging alagad ng simbahan ang mga nananatiling bakla at aalisan rin ng karapatan na maging bahagi ng simbahan ang mga pari na sangkot sa homosexuality.
Ikinatwiran rin noon ni Pope Benedict na wala siyang karapatan na husgahan ang “homosexual tendencies” ng ilang mga pari bagay na ikinagalit ng ilang mga obispo noong panahong iyun.