Ito ay base sa idineklara ng mga kalihim sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Si Villar ay mayroong net worth na mahigit sa P1.4 bilyon habang si Sec. Cusi ay nasa P1.3 Billion ang net worth.
Sinusundan sina Villar at Cusi ni Finance Sec. Carlos Domiguez na nasa P338,123,873 ang net worth sa ikatlong pwesto at pang-apat si Transportation Sec. Arthur Tugade na mayroong P303,233,620 ang net worth.
Ang iba pang kalihim at ang kanilang net worh : Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar – (P158,819,858.19) Health Secretary Francisco Duque III ( P120,138,954) National Economic and Development Authority (NEDA) chief Ernesto Pernia (P109,000,741.10) Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano (P55,688,862) Trade Secretary Ramon Lopez (P49,800,000) at Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza (P49,054,011).
Ang iba pang kalihim na mayroong mahigit sa P20 milyon ang idineklarang net worth ay sina : Agriculture Secretary Manny Piñol (P26,968,536.34); Environment Secretary Roy Cimatu (P26,503,447); at National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. (P25,245,000).
Samantala, ang mga kalihim naman na mababa sa P15M ang net worth ay sina : Labor Secretary Silvestre Bello III (P15,750,000); Justice Secretary Menardo Guevarra (P14,329,495.71, as of April 7, upon his assumption); Presidential Legislative Liaison Secretary Adelino Sitoy (P9,662,810.75); Defense Secretary Delfin Lorenzana (P7,657,141.16); Information and Communications Technology officer-in-charge Eliseo Rio (P7,631,790.61); Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña (P7,561,000); at si Education Secretary Leonor Briones (P6,668,136).
Pinakamababa naman si Secretary Liza Maza ng National Anti-Poverty Commission na nasa P1,186,500 milyon ang net worth.