JS Setogiri ng JMSDF, nasa bansa para sa isang goodwill visit

Dumaong sa Maynila ang JS Setogiri ng Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) para sa isang goodwill visit.

Lulan ng barko na isang Asagiri-Class destroyer ang isang helicopter at humigit kumulang 200 opisyal at crew.

Isang welcome ceremony ang isinagawa ng Philippine Navy sa pangunguna nina Vice Admiral Robert A. Empedrad at Capt. Joselo A. Tubaliz.

Ayon kay Naval Public Affairs Office director Capt. Lued L. Lincuna, ito na ang ikaapat na pagbisita sa bansa ng barko ng JMSDF ngayong taon.

Una nang dumaong sa bansa ang JS Amagiri noong Pebrero na sinundan ng JS Akizuki at JS Osumi noong Abril.

Ayon kay Lincuna, isasagawa ang serye ng confidence-building activities para sa Japanese Navy kasama ang kanilang counterparts sa Philippine Navy.

Layon ng pagbisita na pagtibayin ang relasyon ng dalawang hukbong pandagat.

Isang send-off ceremony ang isasagawa sa pagtatapos ng port visit ngayong araw.

Read more...