Babae, patay sa pamamaril sa Brgy. Pag-asa, QC

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae na pinagbabaril sa Mangga Street sa Barangay Pag-asa, lungsod Quezon.

Kinilala lamang sa pangalang Amy ang biktima na humingi pa ng tulong sa mga residente sa kasagsagan ng insidente.

Gayunman, walang nangahas na lumabas sa mga ito dahil sa takot na madamay sa krimen.

Ayon sa isang residente na si Mohaimen Macabanting, nakarinig sila ng dalawang putok ng baril.

Ayon naman kay Luz Asor, isa ring residente sa lugar, palabiro ang biktima at wala umanong kaaway.

Narekober sa pinagyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng baril.

Read more...