Sis. Patricia Fox, may hanggang June 18 pa para makaalis ng Pilipinas – DOJ

Hanggang June 18, 2018, at hindi May 25, ang ibinigay na taning para makaalis ng bansa ang Australian missionary nun na si Sister Patricia Fox.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, taliwas sa utos ng Bureau of Immigration na kailangang umalis na ng Pilipinas si Fox ngayong Biyernes (May 25).

Paliwanag ni Guevarra, ang 30-day period na inilatag ng BI para lisanin ni Fox ang Pilipinas ay naantala dahil sa paghahain nito ng motion for reconsideration.

Matatandaan na nag-isyu ang BI ng direktiba laban kay Fox noong April 23 na bumabawi ng kanyang Missionary Visa at ginawa na lamang Temporary Visitor’s Visa, na natanggap naman ng kampo ng madre noong April 25, o pagsisimula ng 30-day period.

May utos pang inilabas ang BI noong May 17 na nagbabasura sa Motion for Reconsideration ni Fox, na ang kopya ay natanggap noong May 24.

Ini-akyat naman ni Fox sa DOJ ang kanyang kaso, sa katwiran walang basehan ang pagbawi sa kanyang Missionary Visa.

Binigyan ni Guevarra ang BI ang sampung araw upang magkomento sa apela ni Fox at magsumite ng mga rekord ukol sa kaso nito sa DOJ.

Kapag nagawa na ito ng BI, si Fox naman ay mayroong limang araw para maghain ng kanyang tugon.

 

Read more...