Sa kabila nito, tiniyak ni Cimatu na on-track ang gobyerno sa rehabilitasyon.
Ipinahayag ni Cimatu na nagulat siya sa 43 ilegal na tubo na nadiskubre sa dalampasigan ng isla kung saan madalas lumalangoy ang mga tursita.
Nadiskubre ang mga ito matapos magsagawa ng inspeksyon ang Mines and Geosciences Bureau matapos lumabas na mataas ang antas ng coliform bacteria sa katubigan sa beachfront.
Ayon kay Cimatu, 100 sundalo ang tutulong sa pag-aalis ng mga ilegal na tubo. Tutulong din aniya ang militar sa inter-agency task force para matapos ang paglilinis sa isla sa nakatakdang muling pagbubukas nito.
Isinara ang Boracay mula sa mga turista sa loob ng anim na buwan mula noong April 26 para sa rehabilitasyon nito.