Asian Development Bank, bilib sa diskarte ng Administrasyon kontra kahirapan

INQUIRER FILE

Saludo ang Asian Development Bank sa mga programa ng Administrasyong Duterte para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay ADB Director General Ramesh Subramaniam. dahil sa Build Build Build program ng gobyerno tumaas nang 34% ang ginagasta para sa pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura kumpara sa nakalipas na dalawang taon.

Bunga nito, sinabi pa ni Subramaniam, tiwala ito na maabot ng gobyerno ang 14% poverty incidence rate sa bansa pagdating ng taon 2022.

Dagdag pa nito, ipinagmamalaki nila na ang ADB ay nakakatulong sa pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura, partikular na sa Mindanao Road Project, na magiging daan para magkaroon ng mga bagong oportunidad maging sa mga bagong maliliit na negosyo.

Aniya, tinatahak ng gobyerno ang tamang daan tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng mga bagong imprastraktura.

Nabatid na maging sa Conditional Cash Transfer program ay bahagi rin ang ADB./

Read more...