Magkapatid na Reyes, tatakbo bilang mayor at vice mayor ng Coron

 

Inquirer file photo

Kahit nakakulong, tatakbo pa rin sa lokal na posisyon ang magkapatid na Joel At Mario Reyes.

Ayon sa Comelec sa Coron, naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy sa pamamagitan ng kanilang legal representatives sina dating Palawan Governor Joel Reyes upang tumakbo bilang mayor ng Coron, Palawan.

Samantala, ang kanyang kapatid naman na si dating Coron, mayor Mario Reyes ay tatakbo bilang vice- mayor.

Ang dalawa ay nakakulong sa Puerto Princesa Provincial Jail dahil sa pagkakasangkot sa kaso ng pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega noong 2011.

Tatlong taong nagtago sa Phuket, Thailand ang magkapatid at naaresto lamang nitong nakaraang buwan.

Tatakbo bilang independent candidate ang magkapatid sa susunod na taon.

Read more...