Komander ng PSG, itinalaga sa bagong posisyon

Courtesy: 8IB Facebook Page

Umupo na sa kanyang bagong posisyon si Brig. Gen. Lope Dagoy, komander ng Presidential Security Group (PSG).

Si Dagoy na ang nagsisilbing brigade commander ng 802nd Brigade sa Leyte. Humalili siya kay Brig. Gen. Francisco Mendoza Jr.

Pinangunahan ni Maj. Gen, Raul Farnacio, komoander ng 8th Infantry Division, ang change of command ceremony.

Si Dagoy ay myembro ng Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.

Pinamunuan ni Dagoy ang PSG simula March 2017 bago maitalaga sa kanyang bagong posisyon.

 

Read more...