Ayon kay Teody Sayson, supervising agriculturist ng pamahalaan ng Pontevedra, lumabas sa pagsusuri na mas mataas sa limitasyon ang mga substance na nakita sa tubig, partikulat na ang ammonia, dissolved oxygen at nitrite.
Ibig sabihin, napakataas ng concentration ng tubig na maaaring magdulot ng pagkamatay ng mga hayop sa ilog, gaya ng isda.
Noong May 8, napaulat ang pagkamatay ng mga isda sa ilog ng Pontevedra. Ito ay makaraang bumigay ng dam ng isang planta ng asukal sa Barangay Nagasi, La Carlota City, at umapaw umano ang wastewater nito.
Una nang inispeksyon ng Department of Environment and Natural Resources ang lugar at namataan nila ang mga indikasyon ng polusyon gaya ng discoloration ng tubig at mga patay na isda sa ilog.