State of calamity, itinaas sa barangay sa Malabon City na tinupok ng apoy

Courtesy: Archie Jade Añora

Isinailalim sa state of calamity ang Barangay Catmon sa Malabon City matapos mawalan ng tirahan ang 1,000 pamilya dahil sa sunog.

Kinumpirma ni Malabon City Council Secretariat Admin Officer Jaime Chua na inaprubahan ni Malabon City Mayor Len Orata ito.

Ayon sa mga otoridad, tinupok ng apoy ang 450 kabahayan.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog.

Tinatayang P4.5 milyon naman ang idinulot na pinsala ng insidente.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

 

Read more...