4 patay sa magkakahiwalay na buy-bust ops sa Cavite at Laguna

CAVITE PNP

Patay ang apat na hinihinalang tulak ng droga sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cavite at Laguna.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon police, napatay ang mga suspek matapos manlaban buy-bust operations.

Sa Calamba City, Laguna, patay ang magkapatid na Edwin Manaig at Efren Manaig dakong alas-11:30 kagabi sa Barangay Real.

Sa Cavite, napatay naman si Ruben Angeles alyas Kristo dakong alas-10:00 kagabi sa bayan ng Naic. Binaril ng suspek ang isang pulis pero hindi niya tinamaan ito. Narekober sa suspek ang kalibre .38 na baril.

Sa Indang, Cavite, kinilala ang napatay na suspek na si Jeffrey Ryan Bawar. Dakong alas-8:30 kagabi nang napatay si Bawar matapos paputukan ang mga otoridad.

 

Read more...