Ayon kay DILG Undersercretary for Baranggay Affairs Martin Diño, imumungkahi nya kay DILG Sec. Eduardo Año na sa pagkaupo ng mga bagong halal na Baranggay Chairman sa July ay bigyan ang mga ito ng taning sa pagsusumite ng BADAC.
Sakop nito ang lahat ng mga baranggay sa iba’t ibang panig ng bansa, maliban na lamang sa Marawi at iba pang war-stricken areas na wala pang mga naitatalagang kapitan.
Paliwanag ni Diño, trabaho ng mga barangay chairman sa ilalim ng batas ang pagkakaroon ng BADAC, sa pamamagitan kasi nito ay nagkakaroon ng aktibong partispasyon ang barangay sa pagsugpo ng iligal na droga.
Nitong bago lang mag-eleksyon, nasa 41,354 mula sa 42, 036 na mga Baranggay ang nagsumite ng BADAC pero nire-review pa ng DILG ang mahigit 600 sa mga ito kung functional nga ba o hindi.
Dagdag pa ni Diño, sakaling mabigo sa pagsusumite ng BADAC, ay nararapat lamang na kasuhan ang mga opisyal ng dereliction of duty o pagpapabaya sa tungkulin.