Magnitude 3.4 at 3.5 na lindol, naitala sa Davao Occidental at Pangasinan

PHIVOLCS

Naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental kaninang 9:08 ng umaga.

Namataan ng Phivolcs ang episentro nito 86 kilometro sa hilagang silangan ng Sarangani.

May lalim na 65 kilometro ang pagyanig at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsalang idinulot ang lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng aftershocks.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Bani sa Pangasinan.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa tatlong kilometro sa hilaga ng Bani kaninang 08:47 ng umaga.

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin nito.

Hindi naman naramdaman ang lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ng aftershocks ito.

 

Read more...