Lalaki patay nang magulungan ng trak

Google Maps

Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng trak sa Barangay Guiwan sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Bryan Martin Reyes, empleyado ng National Food Authority.

Minamaneho ni Reyes ang kanyang motorsiklo nang mabangga siya ng trak na may kargang goma.

Natumba ang motorsiklo ni Reyes at pumailalim siya sa trak.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay.

Nakilala naman ang driver ng trak na si Joseph Morte.

Depensa ni Morte, hindi nagmenor si Reyes na mabilis magpatakbo ng motorsiklo.

Mahaharap si Morte sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

 

Read more...