Ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inagurasyon ng bagong localized reformation center sa Cabanatuan City, ipinagmalaki ni Aquino na 200 na sa 3,300 na sumukong drug users sa ‘Oplan Tokhang’ ang graduate na sa reformation center.
Bahagi lamang umano ito sa kabuuang 25,000 na nakatapos na sa comprehensive rehabilitation program sa buong Central Luzon.
Bagaman mahihirapan umano ay tiniyak ni Aquino sa publiko na mayroon silang mga plano para tuldukan na ang kalakaran ng droga sa bansa.
Ani Aquino, sa kasulukuyan apat na lalawigan pa lamang ang idineklara ng PDEA na ‘drug cleared’ na kinabibilangan ng Batanes, Biliran, Bohol at Southern Leyte.
Samantala, hinimok ng opisyal ang mga bagong halal na opisyal ng mga baranggay na makipagtulungan sa PDEA at sa pulisya sa paglaban sa iligal na droga