3 drug suspects arestado sa buy-bust operation sa Marikina City

Marikina City Police Photo

Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa isang apartelle sa Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Cris Hean Bitonio, 20 anyos, Bernabe Bitonio, 41 anyos at si Arjay Dela Rosa, 25 anyos na pawang residente ng Barangay Tumana sa Marikina.

Nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit sa Room #6 ng Yin and Yang Budget Rooms for rent sa Brgy. Marikina Heights.

Marikina City Police Photo

Nakuha mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu., P500 na buy bust money, digital weighing scale at iba pang drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang tatlo.

Read more...