Drug suspect patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Parañaque

Patay ang isang drug suspect makaraang manlaban umano sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkasa ng buy bust ang mga operatiba ng Paranaque City police sa Barangay Tambo.

Pero nakatunog ang suspek na pulis pala ang kaniyang katransaksyon kaya binaril nito ang mga pulis.

Ginantihan naman siya ng putok ng mga otoridad.

Naisugod pa sa ospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha mula sa suspek ang ginamit niyang baril at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...