Panibagong big-time oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

Kuha ni Jasper Dayao

Maaari na namang dumagdag sa pasakit ng mga motorista ang posibilidad ng panibagong oil price hike sa susunod na linggo.

Ito ay base sa unang tatlong araw ng trading sa pandaigdigang merkado ngunit maaari pa naman umanong magbago ang kapalaran ng presyo ng oil products ngayong araw.

Dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malacañang ang posibilidad na pag-aangkat ng langis sa Estados Unidos o Russia o mga bansang hindi miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mura ang presyo ng oil products sa mga bansang hindi miyembro ng OPEC.

Samantala, batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE), napag-alaman na may ilang gasolinahan na sa Metro Manila na nagbebenta ng P62 sa kada litro ng gasolina habang naglalaro sa P40 hanggang P46 ang diesel.

Read more...