Sister Fox gustong manatili sa bansa at labanan ang deportation order

Emosyunal na inihayag ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox ang paglaban sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) laban sa kanya.

Sa isang press conference bago ang May 25 deadline ng Immigration, sinabi ni Sister Fox na nais niyang manatili sa bansa at labanan ang deportation sa kanya.

Ikinatwiran ng madre na bilang missionary ay tungkulin niya na makipag-ugnayan sa ilang sektor gaya ng mga lumad at magsasaka para iparating ang mensahe ng kanilang grupo.

Halos maiyak na sinabi ni Sister Fox na minahal na niya ang mga nakasalamuha niyang mga pilipino kaya mahirap sa kanyang iwan ang bansa.

Ngayong araw, May 25 ang deadline ng 30-day validity period ng BI matapos i-downgrade ang missionary visa ni Fox sa temporary visitor’s visa.

Nanawagan ang kampo ni Sistex Fox sa kanilang taga-suporta na maging alerto sa anumang pwedeng hakbang ng ahensya.

Una nang sinabi ng abogado ng madre na iaapela nila ang pagbasura sa kanilang motion for reconsideration sa utos na umalis na si Sister Fox sa Pilipinas.

Read more...