500 private school pinayagan ng DepEd na magtaas ng tuition

Halos 500 na pribadong eskwelahan ang magtataas ng kanilang matrikula para sa School Year 2018-2019 at madadagdagan pa ang naturang bilang. Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo, 478 sa 11,368 private schools ang pinayagan ng DepEd regional offices na magtaas ng matrikula sa pasukan. Pwede aniya itong madagdagan dahil sa ngayon ay anim na rehiyon pa lang, ang National Capital Region (NCR), CALABARZON, MIMAROPA, Caraga, Regions 10 at 12, ang nagsumite ng kanilang reports. Hindi matiyak ni Mateo kung magkano ang dagdag matrikula pero una nang sinabi ng DepEd-NCR na limitado lang sa 15% ang tuition hike. Ayon sa opisyal, karamihan sa mga eskwelahan ay nag-apply ng tuition increase para maitaas ang sweldo at benepisyo ng kanilang mga empleyado.

Read more...