“Missed opportunity.”
Ganito isinalarawan ni US President Donald Trump ang kanyang kanselasyon sa makasaysayan sana niyang pulong kasama si North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore sa June 12.
Kinansela ni Trump ang pulong bunsod ng umano’y malubhang galit sa mga bagong pahayag na pinakawalan ni Kim laban sa US.
Ayon kay Trump, hindi pa napapanahon sa ngayon na idaos ang naturang pulong.
Nagpasaring pa si Trump sa pagbibida ni Kim sa mga kakayahang pang-nukleyar ng NoKor gayong mas makapangyarihan umano ang sa kanila na anya’y pinapangalangin niya sa Diyos na hindi kailanman magamit.
Sinabi naman ng pangulo ng US na sa hinaharap ay umaasa pa rin siyang makakapulong si Kim at nagpasalamat ito sa pagpapakawala sa mga hostages na isa anyang magandang aksyon at kahanga-hanga.
Sakali anyang magbago ang isip nito tungkol sa pulong ay huwag umanong magdalawang-isip na tawagan o sulatan siya.