Osmeña, hindi sasama sa Poe-Escudero ticket

 

Inquirer file photo

Ayaw ni Sen. Serge Osmeña na mapabilang sa senatorial ticket nina Sen. Grace Poe at Chiz Escudero.

Ito ang tugon ni Osmeña sa mga balitang isa siya sa mga napipiling makasama sa line-up ng tambalang Poe-Chiz para makumpleto ang listahan ng mga kandidato sa pagka-senador para sa 2016 elections.

Ayon kay Osmeña, mas gugustuhin pa niyang tumakbo bilang senador sa ilalim ng ticket ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sakaling magbago ang isip nito at tumakbo bilang presidente.

Bago pa man magpahayag ng kanyang hangarin na tumakbo, pinayuhan na ni Sen. Osmeña si Poe na iwasang maka-tandem si Escudero.

Mas makabuti aniyang tumakbo si Poe bilang independent dahil mas magiging madali nitong ‘maibebenta’ ang kanyang sarili sa taumbayan kung siya ay mag-isa.

Read more...