Walang extension sa paghahain ng COC-Comelec

 

Inquirer file photo

Walang extension!

Ito ang iginiit ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon ng extension sa pasahan ng certificate of candidacy ng mga nais mahalal sa 2016 elections.

Ani Bautista, walang ganitong plano ang Comelec at sa tingin niya, hindi na dapat o kailangan pang pahabain ang nakatakdang panahon para sa pagpapasa ng COCs.

Ngayong araw na kasi ang huling araw ng pagpapasa ng COC sa tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador.

Nakasaad kasi sa polisiya ng Comelec na ang mga COC ng mga kandidatong makakahabol ng pagpapasa bago mag alas singko ng hapon mamaya ang tanging tatanggapin ng mga tauhan ng kanilang Law Department.

Sa ngayon ay mayroon ng 76 na nais tumakbo sa pagka-pangulo, 15 sa pagka-pangalawang pangulo at 83 naman para sa pagka-senador na naghain ng kani-kanilang mga COC.

Read more...