Duterte may sisibakin sa pwesto na opisyal sa susunod na linggo

Isa pang opisyal ng pamahalaan ang nakatakdang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Bagaman hindi niya sinabi kung sino ang opisyal, gagawin umano niya ang pagsibak sa kanyang pagbabalik sa Malacañang sa susunod na linggo.

May kaugnayan umano ito sa kurapsyon ayon pa rin sa pangulo.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng isang bagong tulay sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi niya bibiguin ang sambayanan sa kanyang pagako laban sa katiwalian.

Inamin ng pangulo na marami siyang ginawang kalokohan sa kanyang buhay pero bago umano niya ipikit ang kanyang mga mata gagawin niya ang mga tamang bagay para sa bansa.

Muli ring ipinaalala ng pangulo na walang maituturing na “First Family” sa bansa dahil pantay-pantay umano ang trato sa bawat isang Filipino.

Read more...