Mga makakaliwang mambabatas nagpahayag ng pagtutol sa National I.D System

Radyo Inquirer

Kinontra ng Makabayan bloc sa Kamara ang napipintong pagpapasa sa National Identification (ID) System.

Ipinahayag ng oposisyon sa Kamara na ang naturang panukala ay banta sa seguridad ng bansa at labag ito sa right to privacy, at iba pang civil rights.

Ayon Kabataan Rep. Sarah Elago, maaaring gamitin ng gobyerno ang datos sa ID system para sa surveillance laban sa kanilang mga kritiko.

Dagdag ni Bayan Muna Rep. Carlos, posible ring mas lalaki ang posibilidad na mabiktima ng data breach ang mga Pinoy.

Iginiit naman ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na sa halip na gamitin sa National ID System ang P2 Billion na pondo, mas mabuting ilaan na lang ito sa mga reporma sa basic social services.

Ipinahayag ito ng Makabayan bloc matapos lumusot sa bicameral conference committee ang panukalang batas para sa National ID System.

Sa pinagtibay na bersyon sa Bicameral Conference Committee, pangalan, address, gender, nationality at social security number lamang ang magiging laman ng nasabing I.D.

Read more...