Daan-daang mga bahay ang tinupok ng isang malaking sunog sa Sitio 6, barangay Catmon sa Malabon City.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-dose ng tanghali ng magsimula ang apoy sa gitna ng mga kabahayan na gawa sa mga light materials.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay at pahirapan rin ang pagkuha ng tubig sa lugar.
Pasado alas-tres ng hapon ay umabot na sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog at wala pa ring palatandaan na ito ay pahupa na.
Bukod sa mga pamatay sunog ay nagpadala na rin ng mga ambulansiya ang Philippine Red Cross at ilang mga local government units na malapit sa lugar para sa kinakailangang ayuda sa mga nasunugan.
Pasado alas-kwatro ng hapon ay idineklarang fire under control ang nasabing sunog.
Kahapon lamang ay isang malaking sunog rin ang tumupok sa mga kabahayan sa Brgy. Vasra sa Quezon City.