Tiniyak ng Philippine National Police na mananagot ang puganteng si Ricardo ‘Ardot’ Parojinog sa mga kaso na tinakasan nito.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, matagal nang may umiiral na warrant of arrest kay Ardot at kapag naibalik na siya sa bansa ay ipaghaharap nya ang mga ito.
Partikular na tinukoy ni Bulalacao ang Republic Act 10591 o paglabag sa Comprehensive firearms law at Republic Act 9156 o pagpabag sa explosives law.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng PNP, masaya sila sa pagkakaaresto ng mga otoridad sa Taiwan kay Ardot.
Sa wakas kasi anya ay magagawa na ng PNP ang mga dapat gawin sa kanya na nagtatago sa batas.
Paliwanag pa ni Bulalacao, naghahanda na sila ng team na susundo kay Ardot sa Taiwan.
Gayunman, kanyang sinabi na posible pang matagalan ang pag uwi kay Ardot dahil magiging mahigpit ang deportation process dito lalo na’t may mga batas din ito na nilabag doon.
Sa ngayon ay inaalam na ng PNP kung sa pamamagitan nga ba ng backdoor nakatawid sa Taiwan si Ardot at kung totoo nga ba na kinanlong sya ng Triad sa Taiwan.